Lumalabas sa pagsusuri ng Philippine National Police na ang baril na ginamit sa pagpatay sa maglive-in partner sa loob ng bus sa Neuva Ecija kamakailan na nagamit na sa tatlong iba pang krimen.
Ito ay matapos ang isinagawang Integrated Ballistic Identification System at cross-matchingsa mga basyo ng bala na ginamit ng mga gunmen.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo na kabilang sa iba pang insidente na pinanggamitan ng naturang baril ay ang isa sa Isabela at dalawa sa Nueva Ecija.
Dahil dito, lumakas aniya ang hinala ng kapulisan na maaaring kabilang sa gun-for-hire group ang mga suspek na bumaril sa maglive-in partner.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.