𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗫𝗔𝗦, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Patay ang dalawang estudyante matapos aksidenteng bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang steel barrier sa Barangay Lanting, Roxas, Isabela.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Roxas Police Station, nagtungo umano sa Roxas ang dalawang estudyante upang kumain ng lugaw dahil kagagaling ng dalawa sa isang inuman sa Lunsod ng Ilagan.

Kaugnay dito, mayroon umanong mga nakakita na mabilis ang pagmamaneho  ng estudyante na parang nakikipagkarerahan hanggang sa bumangga sa isang steel barrier.

Napag-alaman na kapwa mga residente ng San Mateo, Quirino, Isabela ang dalawang biktima.

Idineklarang dead-on-arrival ang 15-anyos na drayber habang idinala pa sa pagamutan sa Tuguegarao City ang angkas nitong 17-anyos ngunit binawian rin ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *