Aksidenteng nabunggo ng motorsiklo ang bisekleta na minamaneho ng isang Grade 5 student kaninang alas-8 ng umaga, December 8, sa kahabaan ng Brgy. San Antonio, Delfin Albano, Isabela.
Sa impormasyong nakuha ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, residente ng Brgy. San Juan, Delfin Albano, Isabela ang 10 taong gulang na batang drayber ng bisikleta, habang kinilala naman ang drayber ng motor na si Christian Paul Lucero, 22-anyos, residente ng Brgy. Aneg, Delfin Albano, Isabela.
Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na parehong binabagtas ng dalawang drayber ang pa-silangang direksiyon ng pambansang lansangan ng naturang lugar.
Pagkarating sa pinangyarihan ng insidente, akidenteng nabunggo ng motor ang bisekleta kung saan nag-resulta ito ng iba’t ibang pinsala sa katawan ng parehong drayber.
Kaagad naman silang naisugod sa Delfin Albano Memorial Hospital para sa agarang atensiyong medikal.
Nasa kustodiya na ngayon ng Delfin Albano ang motor at bisekleta para sa tamang disposiyon habang inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala nito.