𝐏𝐨𝐩𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐠𝐫𝐨𝐰𝐭𝐡 𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐮𝐧𝐭𝐢-𝐮𝐧𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚 𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐏𝐎𝐏𝐂𝐎𝐌

LEGAZPI CITY – Bumagal na ngayon ang population growth rate ng Bicol Region sa loob ng ilang taon na pangangampanya ng Commission on Population (POPCOM) Bicol.

Ayon kay Josephine Chua, ang Planning Officer IV ng nasabing tanggapan, unti-unti ng bumababa na ang population growth rate ng rehiyon na kung saan nasa 1.02% na lamang mula 2015 hanggang 2019 at mula sa 1.29% ng taong 2010 hanggang 2015.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Dahil dito, ikinatuwa ng ahensya pagbaba ng population growth sa rehiyon.

Dagdag pa nito, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng populasyon sa rehiyon ngunit hindi kasing bilis tulad ng mga naunang census years.

Sa taong 2020 nasa 6.8 million na ang populasyon ng Bicol mula sa 5.8 million noong taong 2015.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Nilinaw ng opisyal, na hindi pandemya ang naging dahilan ng pagbagal ng growth rate dahil buwan ng Marso 2020 ay naramdaman na sa bansa.

Resulta aniya ito ng matagumpay na family planning methods at responsableng pagpapamilya dahil namulat na umano ang mga mag-aasawa sa hirap ng pagkakaroon ng maraming anak.