Pagtakda sa December 10 bilang ‘Teacher’s Day’ sa bayan ng Irosin, gagawing ordinansa

SORSOGON CITY – Ipinapasa ngayon sa Sangguniang Bayan ng Irosin ang pagtakda sa taunang pagdiriwang ng Teacher’s Day tuwing ika-10 ng Disyembre.

Naging batayan ng ordinansa ang matagumpay na unang ‘Teacher’s Day activities ng LGU sa kanilang lokal na mga guro na idinaos noong Disyembre 10 na ekslusibong ginanap sa Irosin Christmas Village.

Read More:  Antique vlogger dies after alleged electric shock from videoke microphone

Ayon sa alkalde na si Alfredo Cielo Jr., hindi umano malabo na maipasa ito sa Sangguniang Bayan dahil mismong DepEd Sorsogon Division’s Office ay nagustuhan ang nasabing aktibidad.

Read More:  One lane reopens after landslide strand motorists in Glan, Sarangani

Pinaplano pa ng LGU  na dagdagan ang mga benepisyo at tulong sa kanilang mga lokal na guro sa oras na maging ganap na itong ordinansa.

Ang ordinansa ay naglalayong bigyang halaga ang kontribusyon ng mga guro sa nasabing bayan.