Legazpi City- Ang pagtanim at paglinis ng mga benepisyaryo ng Cash-for-Work sub-project sa Barangay Cawit, Manito, Albay.
Saklaw ng proyekto ay ang pagpapatayo ng community garden, pagtatanim ng mga bakawan at paglilinis sa tabing-dagat. Nagkakahalaga ng Php830,921.25 ang naturang proyekto na pinonduhan ng DSWD KALAHI-CIDSS.
Ang CFW ay isang interbensyon na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga residente na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Layunin ng DSWD KALAHI-CIDSS na palakasin ang partisipasyon ng bawat mamamayan sa pagpapasya at pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran sa kani-kanilang pamayanan.