SORSOGON CITY – Bukod sa Irosin Municipal Park, nagliwanag ang buong St. Michael Parish Church sa nasabing bayan matapos itong pailawan kasabay ng pagsisimula ng Simbang Gabi noong Huwebes.
Bukod sa mga Christmas display, pinuno din ng makukulay na ilaw ang hagdanan paakyat ng nasabing hill-top church gayundin ang mga pader sa palibot nito na nagresulta upang magliwanag ito ng husto at naging napakagandang tanawin.
Labis naman itong ikinagalak ng mga residente gayundin ng mga nagsisimba.
Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng simbahan at ng Lokal na Pamahalaan ng Irosin.
