Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa tatlong menor de edad ang nasa mahigit ₱45,000 na halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Purok 7, Barrio Matamis, Brgy. San Vicente, Biñan City, Laguna.
Ayon sa report ng Biñan City Police Station, naaresto ang mga suspek matapos na magbenta ng hinihinalang iligal na droga sa pulis na nagkunwaring buyer pasado 3:00 ng madaling araw noong Disyembre 8, 2022.
Nakumpiska sa mga suspek ang anim na piraso ng plastic sachet ng hinihinalang iligal na droga na may timbang na aabot sa 7 gramo.
Tinatayang nagkakahalaga ito ng humigit kumulang ₱45,500, isang coin purse na naglalaman ng 400 pesos, maliban pa sa buy bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.