₱20K halaga ng droga, nakumpiska sa buy bust operation sa Laguna

Arestado ang isang tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Parian, Calamba City, Laguna.

Kinilala ng Calamba City Police Station ang suspek na si Edwin Hinggan Garcia, residente ng naturang lugar.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Ayon sa imbestigasyon, nakumpiska mula sa suspek ang tatlong piraso ng plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang ilegal na droga at may timbang na 3 gramo.

Ang nakumpiskang droga ay tinatayang nagkakahalaga ng 20,400.00 pesos.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Nakumpiska rin mula sa suspek ang 500 pesos ginamit na buy-bust money at tatlong piraso ng 100 pesos na pinaniniwalaang drug money.

Nasa kustodiya na ng Calamba CPS ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.