NAGA CITY – Plano ng e-retire sa circulation o hindi na gagamitin ang 20 peso bill bank note at tuluyan nang ipapalit ang 20 peso coin.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Carina Del Rosario bagong upong Area Director ng Bangko Sentral ng Pilipinas – Naga Branch.
Nilinaw nito sa hindi nakatutok ang BSP sa sa demonetization o ang pagtanggal ng monetary value, kundi sa Natural Attrition o pagtanggal ng pera dahil sa kalumaan.
₱20 na papel ay karaniwang gamit ng mg Pinoy kahit sa mga pamilihan, madalas ding nababasa kaya ang ₱20 na barya ang inirekomenda.