25-anyos na binata patay nang makuryente sa Pasacao, Camarines sur

CAMARINES SUR- Nakahawak pa sa kable ang 25-anyos na binata nang makita sa Balogo, Camarines Sur. Malapit sa kaniya ang patay na ring kalabaw.

Sa imbestigasyon ng PNP nangyari ang insidente bandang alas-4:30 ng madaling araw nitong Lunes sa Sitio Camagong sa nasabing Barangay kung saan nakilala ang biktima na si Rannel Lagasca y Pitogo, residente ng Barangay Bical, San Fernando Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP, aksidenteng natamaan o natapakan ng  kalabaw ang nakalaylay na kable ng kuryente, naputol ang secondary line ng Camarines Sur I  Electric Cooperative o CASURECO I.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sinubukan nang biktima na alisin ang kable upang mailigtas ang kalabaw  na inaalagaan nito pero siya naman ang nakuryente.  Nadamay din ang isa pang kalabaw sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Chester Enriquez, aminado itong hindi kaagad sila nakapag responde dahil hindi rin naman kaagad naireport ang insidente lalo’t madilim pa nang mangyari ito, malayo rin sa himpilan.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon kay PLt. Glen Loquias, nabatid nila sa CASURECO I na walang reported ukol sa problema sa kawad ng kuryente.  Sinabi rin sa Brigada News FM Naga ni Balogo, Punong Barangay Angelo Remo  na hindi niya alam na nakaproblema ang linya, wala ring naiulat sa kaniya dahil hindi rin kaagad nakita ng residente ang probolema sa linya.

Nag paabot na ng tulong ang kooperatiba  sa pamilya ng nasawi. Magkakaroon rin nag pag-uusap sa magkabilang panig.