LEGAZPI CITY – Ipagpapatuloy muli ng Provincial Health Office (PHO) Albay ang 2nd Round ng National Vaccination Day sa ibat ibang mga bayan at lungsod.
Papangunahan ni Dr Estela Zeneth at Gov. Al Francis Bichara ang bakunahan na mangyayari sa mga bayan at lungsod.
Ninanais rin ng Gobernador na mabakunahan ang lahat ng mga tao sa Albay upang walang mapag iwanan sa pagpapabakuna at matiyak ang kaligtasan ng mga Albayano laban sa covid 19 at omicron.
Nananawagan ang nasabing opisyal sa mga hindi pa nababakunahan na senior citizen na kailangan na magpabakuna upang hindi na mahawaan ng nasabing sakit.
Sa ngayon ay umaabot na sa 70% o 694, 250 ang nabakunahan sa 987, 297 total target population sa lalawigan.