𝗪𝗜𝗟𝗗𝗟𝗜𝗙𝗘 𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗘𝗦 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗟 𝗘𝗫𝗛𝗜𝗕𝗜𝗧, 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗨𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗠𝗜𝗧

Pansamantalang nasa kustodiya ng Department of Environment and Natural Resources Region 2 ang nahuling 28 wildlife species sa isang mall exhibit sa Barangay Mabini, Santiago City.

Ito ay matapos mapag-alaman na ang mga nagmamay-ari ng nasabing mga hayop maging ang organizer ay walang kaukulang Wildlife Special Use Permit at Special Local Transport Permit.

Kabilang sa mga wildlife na ito ay ang leopard gecko, Mexican iguana, bearded dragon, sulcata tortoise, red-footed tortoise, leopard tortoise, at iba pa.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Binigyang diin ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan na ang pag-aalaga at mayroong collection ng wildlife ay kailangang sumunod sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Aniya, kailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng batas at maparusahan ang mga lumalabag dito dahil sa ilalim ng DENR Administrative Order (DAO) No. 2004-58, ang mga pribadong indibidwal na nag-aalaga ng mga threatened at exotic fauna ay dapat rehistrado sa pamamagitan ng Certificate of Wildlife Registration.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa ilalim ng batas, maaari lamang gamitin ang mga wildlife sa exhibition, educational purposes at iba pa sa oras na mayroon nang SLTP at WSUP mula sa kagwaran.

Ang mga natukoy na wildlife owners ay kailangang magpaliwanag kung bakit dapat hindi kanselahin ang kanilang CWR para sa pagsasagawa ng wildlife exhibit nang walang kaukulang permits.