𝗡𝗩𝗔𝗧 𝗙𝗥𝗘𝗦𝗛 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗧𝗙𝗢𝗥𝗠, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗞𝗜𝗟𝗜𝗞 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗦𝗧𝗜𝗧𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗕𝗨𝗬𝗘𝗥𝗦

Patuloy na tinatangkilik ng mga online institutional buyers ang inilunsad na  NVAT Fresh Online platform ng Department of Trade and Industry (DTI).

Bukod sa NVAT target din umano ng DTI na ipakilala sa mga lokal na pamilihan ang nasabing online platform at iba pang organisasyon.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang NVAT fresh online ay isang sistema ng e-commerce gamit ang digital platform upang mapabilis ang komunikasyon sa pagitan ng mga magsasaka, traders at mga mamimili.

Layunin din nitong magkaroon ng mas malawak at mabilis na pamimili sa mga produktong pang-agrikultura.

Makikita sa naturang app ang mga produktong dinadala at ibinebenta ng mga magsasaka sa NVAT na matatagpuan sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ilan sa mga produktong ito ay mga upland at lowland vegetables tulad ng carrots, repolyo at sayote, mga prutas na maaaring mabili ng bultuhan kung saan diretso nang makakausap ng mga magsasaka ang  mga institutional buyers.