Patuloy na tinatangkilik ng mga online institutional buyers ang inilunsad na NVAT Fresh Online platform ng Department of Trade and Industry (DTI).
Bukod sa NVAT target din umano ng DTI na ipakilala sa mga lokal na pamilihan ang nasabing online platform at iba pang organisasyon.
Ang NVAT fresh online ay isang sistema ng e-commerce gamit ang digital platform upang mapabilis ang komunikasyon sa pagitan ng mga magsasaka, traders at mga mamimili.
Layunin din nitong magkaroon ng mas malawak at mabilis na pamimili sa mga produktong pang-agrikultura.
Makikita sa naturang app ang mga produktong dinadala at ibinebenta ng mga magsasaka sa NVAT na matatagpuan sa Bambang, Nueva Vizcaya.
Ilan sa mga produktong ito ay mga upland at lowland vegetables tulad ng carrots, repolyo at sayote, mga prutas na maaaring mabili ng bultuhan kung saan diretso nang makakausap ng mga magsasaka ang mga institutional buyers.