𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝟯-𝗗𝗔𝗬 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗗 𝗕𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗘𝗔𝗦𝗧𝗪𝗢𝗢𝗗, 𝗤𝗨𝗘𝗭𝗢𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Ibinida ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 ang iba’t ibang mga produkto ng lambak ng Cagayan sa 3-Day Grand Bagsakan sa Eastwood City Central Plaza, Quezon City.

Maaari nang makabili ang mga konsyumer at mga resellers ng mga produkto katulad ng gulay, prutas at iba pang mga dry goods sa murang halaga lamang.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ang naturang mga produkto ay mismong ginawa at inani ng mga lokal na magsasaka sa rehiyon.

Kaugnay niyan, bukod sa physical store ay maaari ring bumili ang mga interested consumer sa kanilang website na https://mayani.ph/ at tatagal naman ang Grand Bagsakan hanggang bukas, November 22.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng DTI R2, Bureau of Domestic Trade Promotion the Mayani.Ph, at ng Megaworld.