𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗕𝗔𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦, 𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗧𝗘𝗟 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢

Nahaharap ngayon sa kasong adultery ang magkabarong pulis sa Lungsod ng Tuguegarao matapos silang maaktuhang gumagawa ng milagro sa loob ng isang hotel.

Kinilala ang magkalaguyong pulis na sina alyas Shaina, 25-anyos, may asawa at naka-assign sa 205th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 2 at residente ng Purok 6, Gumbauan, EchagueIsabela; habang kinilala naman ang kalaguyo nito na si alyas Tasyo, 32 taong gulang, binata, na naka assign naman sa San Agustin Police Station at residente ng Purok 4, Sto Domingo, Echague, Isabela.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Kaugnay nito, kinilala rin ang biktima na asawa ni Shaina na si alyas “Michael”, isang negosyante, 33-anyos na residente ng Purok 4, Sta. Maria, Alicia, Isabela.

Base sa naging imbestigasyon ng mga pulis, namataan ni Michael ang kaniyang asawa na sumakay sa isang Toyota Vios kasama ang kalaguyo nito.

Dahil dito, sinundan ni Michael sina Shaina hanggang sa makarating sila sa isang hotel. Matapos makumpirma ng biktima ang nangyayari ay sumangguni na ito sa Tuguegarao City Police Station para humingi ng tulong.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Mabilis namang inaksyunan ng himpilan ang reklamo at tinungo ang naturang hotel. Dito na nga na-aktuhan sina Shaina at Tasyo na wala ng mga saplot sa katawan.

Inaresto naman kaagad ng mga kapulisan ang dalawang magkabaro kung saan idinala muna sila sa ospital para sa kanilang physical exam bago sila idinitine sa Tuguegarao City Police Detection Cell