𝗟ivestock industry sa 𝗥ehiyon 𝗗os, lumalago

Inihayag ni DA Assistant Secretary for Ruminant Livestock Dr. Benjamin Albarece na buhay ang livestock industry sa Lambak-Cagayan kasabay ng kaniyang pagbisita sa probinsya ng Isabela at Quirino.

Unang binisita ng opisyal ang cattle feedlot at dairy project ng City of Ilagan kung saan ang nagagawa nang dairy products ng siyudad ay ibinibenta na sa buong rehiyon maging sa kalapit na lugar.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Maliban sa pagpapatayo ng I-Corn complex sa Ilagan ay mayroon na rin itong pinakamalaking swine production facility sa Hilaga katuwang ang Thailand-based company.

Sinaksihan din ni Dr. Albarece ang nucleus farm, forage at native animal production sa DA Isabela Experiment Station.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Napag-alaman na mayroong 60% success rate ang cattle breeding sa unang trial na isinagawa ng Cattle Breeding Center ng Pamahalang Panlalawigan ng Quirino.

Ang pagbisita nito sa dalawang probinsya ay ipi-prisenta kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kung saan irerekomenda nito ang pagpapalakas at pagpapanatili ng livestock industry sa rehiyon.