𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗖 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗬𝗔𝗣𝗔 – 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖

Maayos na nagtapos ang anim na araw na pagsusumite ng Certificate of Candidacy sa Cauayan City ng mga kandidato ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ang naging pahayag ni Cauayan City Election Officer Atty. Christopher Thiam sa naging panayam ng Brigada News Team.

Read More:  Three Iloilo police officers relieved after shooting doctor accused in hit-and-run

Aniya, sa unang araw nagkaroon ng konting aberya sa pila dahil na rin ito sa pagdagsa ng mga gustong kumandidato.

Nagpasalamat din ang Election Officer sa hanay ng kapulisan sa kanilang partisipasyon at tulong sa COMELEC upang maging maayos ang proseso ng filing.

Read More:  Two men gunned down at Davao del Norter gas station

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na datos hinggil sa kabuuang bilang ng mga nagsumite ng kanilang COC sa lungsod ng Cauayan at patuloy pa rin ang isinasagawang page-encode ng COMELEC sa mga COC sa candidate profile system.