𝗘𝗨𝗥𝗢𝗣𝗘𝗔𝗡 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗠𝗕𝗔𝗦𝗦𝗢𝗗𝗢𝗥, 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔; 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗡, 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗗𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗗𝗔

Bumisita sa Lalawigan ng Isabela si Ambassador Luc Véron ngayong araw, September 7.

Sinalubong ito nina Mayor JC Dy at city officials, Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III, at Governor Rodolfo “Rodito” Albano III sa Cauayan City Airport.

Nagtungo ang pinuno ng Delegation of the European Union to the Republic of the Philippines sa mga processing plants sa Isabela na kinabibilangan ng Golden Season Grains Inc. sa Luna, at Isabela Biomass Energy Corporation(IBEC) sa Alicia.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Layunin ng pagbisita nito na magkaroon ng dayalogo kasama ang mga local officials tungkol sa socio-economic at political situation ng bansa lalo na sa lalawigan kung saan isa ito sa may pinakamalaking rice mill sa bansa.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Kaugnay nito, nagpahayag ang ambassador sa kaniyang X (dating Twitter) account sa kaniyang naging karanasan sa pagsalubong sa kaniya kung saan na-overwhelm umano ito sa hospitality ng mga Isabeliño at ibinida rin niya ang kinaing pancit cabagan.

Nagpunta rin ito sa Lungsod ng Ilagan kung saan binisita niya ang ilang tourist destination katulad ng Butaka Shrine, at Ilagan Japanese Tunnel.