𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗗𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗟𝗢𝗪𝗘𝗥 𝗦𝗛𝗢𝗣, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗗𝗘𝗔

Sinalakay ng PDEA katuwang ang Cagayan Provincial Office at Regional Intelligence Unit ang isang flower shop na pinaghihinalaang drug den sa Rizal St. Tuguegarao City, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nahuli sa isinagawang operasyon ang tatlong indibidwal na kinilalang sina Analiza, 42-anyos, Warren, 35-anyos, isang chef at Erwin, 53-anyos at isang kitchen crew.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aabot sa dalawampu’t dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng labinlimang gramo ang nakumpiska mula sa mga naaresto kung saan nagkakahalaga ito ng P102, 000.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bukod dito, nakumpiska rin mula sa direktang pag-iingat ng mga suspek ang buy bust money at ilan pang mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang tatlong naaresto sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.