LEGAZPI CITY – Inihayag ni Fire Chief Inspector Eric Caramoan, ang City Firemarshall ng Bureau of Fire Protection (BFP) na wala pang naibibigay na lugar ang Local Government Unit (LGU) Legazpi na dapat mapagtitindahan ng mga ibat ibang klaseng paputok sa lungsod ng Legazpi.
Ayon kay Caramoan, pinagpaplanuhan na ng Lokal ng Gobyerno at BFP ang paglalagyan ng mga magtitinda ng mga paputok upang makaiwas sa anumang insidente.
Aniya, kailangan mailagay ng maayos sa tamang lugar na pagtitindahan ang mga paputok para sa mas ligtas ng mga mamimili.
Dagdag pa nito, ang bawat magtitinda ng mga paputok ay kinakailangan mayroon silang nakahandang tubig para sa mabilis ng pag apula ng sunog.
Wala pa naman silang nabibigyan ng permit sa pagtitinda ng mga paputok dahil kailangan muna nilang kompletohin ang mga requirements mula sa LGU legazpi.
Sinabi ng opisyal, alam na rin ng mga magtitinda ng mga paputok ang mga ipinagbabawal o maaaring itinda na mga paputok sa kanilang designated area.