Ilang mga barangay sa Virac, Catanduanes binaha dahil sa malakas pag-ulang dala ni bagyong #OdettePH kahapon

BNFM BICOL– Hindi man direktang tumama sa islang probinsya ng Catanduanes ang bagyong Odette, hindi pa rin nakaligtas ang lalawigan sa epekto ng naturang bagyo matapos na maramdaman ang malakas na mga pag-ulan kahapon.

Bunsod nito, binaha ang karamihan sa mga barangay sa bayan ng Virac partikular ang mga barangay ng Palta Small, Moonwalk, Buyo, Pajo San Isidro at iba pa.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa Brgy. San Isidro Village, rumaragasang tubig baha ang naranasan sa national highway ngunit hindi naman ito naging dahilan upang maapektuhan ang daloy ng trapiko sa naturang kalsada.

Sa barangay Pajo San Isidro, pinasok ng tubig baha ang ilang mga kabahayan kung saan halos umabot sa tuhod hanggang sa bewang ang lebel ng tubig.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa Brgy. Buyo, umapaw ang ilog sa Hicming Bridge dahilan upang maantala ang daloy ng trapiko.

Gayundin ang nangyari sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. Moonwalk at harapan ng Camp Francisco Camacho at Eastern Bicol Medical Center.

Kaugnay nito, nagbigay naman ng aksyon ang mga personahe ng MDRRMO-Virac at agad na nagsagawa ng rescue operation sa mga apektado ng nangyaring pagbaha. ###