LEGAZPI CITY – Marami ngayon ang nawalan ng trabaho o hindi pa nakakabalik sa kanilang pinagtatrabahuhan dahil sa nararanasang pandemya na kung saan apektado ang mga nagnenegosyo.
Ayon kay Joseph Ranola, ang chief Consumer Protection Division Office ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol, pinaalalahanan ang mga mamimili o maghahanda ng kanilang pagkain para sa pagsalubong ng kapaskuhan o bagong taon na piliin lamang ang dapat kailangan o kainin lalot na ngayon panahon ng pandemya.
Hindi naman kailangan ng maraming pagkain o handa para lang maipagdiwang ng bawat pamilya ang pasko at bagong taon dahil hindi naman ito importante.
Ang mahalaga aniya ay nagsama sama, nagbibigayan at nagmamahalan ang bawat pamilya kahit mayroong pinagdadaanan na problema sa panahong pandemya.
Sinabi ng opisyal, ang pasko o bagong taon ay hindi naman paramihan ng mga pagkain bagkus ito ay nagsasama sama ang bawat pamilya na masaya at nagpapasalamat, dahil sa nalampasan ang mga problemang dumating sa loob ng isang taon na kung saan haharapin muli ang panibagong taon.