Zubiri, nagpasalamat sa senador na sumuporta sa kanyang manifesto

Ibinahagi Senate President Migz Zubiri na labis ang kanyang pagpapakumbaba sa patuloy na pagtitiwala ng kanyang mga kapwa senador sa kanyang pamumuno.

Kaugnay nito, pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang kapwa senador na lumagda at interesadong lumagda sa kanyang Manifesto upang magpakita sa kanya ng suporta.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Ayon kay Zubiri, ang suportang natanggap niya sa mga ito ay nagpapakita lang din ng marka ng isang matatag na Senado na hindi natitinag ng anumang ingay, at palaging nagkakaisa sa paglilingkod sa bayan.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Maalala, kahapon ay itinanggi ni Senador Jinggoy Estrada ang umiikot na balitang siya ang pinaplanong ipalit sa pwesto ni Zubiri.

Dagdag pa niya, hindi rin siya interesadong tanggapin ito kung sakali mang ialok ito sa kanya.