ZPHO puspusan ang kampanya laban sa HFMD

Puspusan ang kampanya ng Zambales Provincial Health Office para maiwasan ang pagdami pa ng Hand, Foot and Mouth Disease.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagpupulong at oryentasyon sa mga Municipal Health Officials, Local Government Units at iba pa.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Kahapon ay dumalo sa Local Health Board Meeting ng San Marcelino, Zambales si Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno.

Pinag-usapan dito ang kalagayan ng health sector nakalipas na buwan, mga programa at kaso ng HFMD.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Matatandaan, sa Zambales ay halos dalawandaang ang naitalang kaso ng sakit mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon kaya puspusan ang paalala at kampanya ng PHO sa publiko para maiwasan ito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: San Marcelino PIO