BICOL – Masayang inanunsiiyo ng DOH-Bicol na walang naidagdag sa bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa rehiyon nitong weekend.
Batay sa pinakahuling tala ng ahensya kahapon, nananatili sa 1,908 ang kabuuang bilang ng COVID-19 death toll sa Bicol Region.
Samantala, dalawang karagdagang kaso naman ng sakit ang nairekord noong Sabado kung saan ang mga ito ay pawang nairehisto sa bayan ng Bacacay at Legazpi City sa lalawigan ng Albay.
Wala namang naiulat na bagong kaso ng sakit kahapon araw ng Linggo kung kaya’t nasa 3,248 ang nananatiling aktibong kaso ng sakit sa buong rehiyon mula sa kabuuang 46,762 na cumulative cases.
Kaugnay nito, 36 naman ang naitalang recoveries nitong nakalipas na dalawang araw kung saan 34 ang gumaling noong Sabado, 30 nito ay naitala sa Albay habang dalawa naman sa Naga City.
Ang dalawang indibdiwal naman na gumaling mula sa COVID 19 kahapon ay pawang mula sa isang lalawigan ng Catanduanes.
Sa ngayon umabot na sa 41,604 ang total Covid 19 recoveries sa Bicol Region.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na sundin ang bida sulosyon plus sa Covid 19 para sa serbisyong salud Bicolnon.