Zelensky umapela sa western politicians na madaliin ang embargo sa Russian oil

Muling nanawagan si Ukraine President Volodymyr Zelensky sa Western politicians na madaliin na ang pagpabor sa pag-embargo sa Russian oil sa gitna ng ginagawang pagsalakay ng tropa nito sa kanilang bansa.

Ipinaliwanag ni Zelensky na ang delay sa pagtugon ay kapalit ng maraming buhay na nalalagas at nasisira sa mga Ukrainian.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon sa pangulo, patuloy siyang mananawagan na tuluyang ma-block ang Russian banks sa international finance system.

Base sa tala ng Ukraine, ang anim na linggong pananakop ng Russia sa kanila ay nagdulot na ng paglikas ng mahigit sa 4 na milyon, pagkamatay o pagkasugat ng libu-libo.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Binigyang diin ni Zelensky na marami pa ring mga pulitiko ang hindi pa nakakapagpasya kung lilimitahin ang flow ng petrodollars at oil euros sa Russia.

Dagdag pa nito na sana ay hindi na hintayin pa na madagdagan pa ang bilang ng mga nasasawi at nasasaktan bago kumilos ang mundo