YG Entertainment, itinanggi ang pag-alis ni Lisa ng Blackpink sakanilang agency

PINABULAANAN ng South Korea Music Label na YG Entertainment ang kumakalat na balita tungkol sa umano’y sa pag-alis ng Thai-singer nasi Lisa Manoban ng Blackpink sa kanilang ahensya.

Nagbigay ang YG ng maikling kumpirmasyon bilang tugon sa isang ulat na inilabas ng Korean Media Outlet na Munhwa Ilbo, na sinaasabi na may mataas na posibilidad na umalis si Lisa sa ahensya pagkatapos ng pag-expire ng kontrata nito ngayong darating na Agosto,habang magpapatuloy naman ang kontrata ng co-member nito sa Blackpink na sina Jisoo, Jennie, at Rose.

Dagdag pa rito, nakatakda daw umano lumabas ang Thai-Singer sa isang palabas, gayunpaman, mahirap daw ayusin ang mga nakaiskedyul na aktibidad pagkatapos ng Agosto, dahil sa mga iskedyul, pati na rin ang kawalan ng katiyakan kung magre-renew si Lisa ng kontrata.

Ayon sa YG, walang kinalaman sa pag renew ng kontra ang sunod sunod na iskedyul ng Thai-Singer.

Samantala, kinumpirma rin ng ahensya na ang mga pag renew ng kontrata ay kanila ng kasalukuyang pinag-uusapan.###JONADEL GALLEGO,Intern