World population, papalo na sa 8-B sa katapusan ng Nov

Tinataya ng United Nations na papalo na sa walong bilyon ang human population sa mundo sa katapusan ng Nobyembre, at patuloy pa umanong tataas.

Ayon sa UN Population Division, ang naturang bilang ay higit sa tatlong beses na mataas kumpara sa 2.5 billion global headcount noong 1950.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Pero ang annual growth ay bumagsak mula sa 2.1 percent sa pagitan ng 1962 at 1965 sa below 1 percent noong 2020.

Ang naturang figure ay maari parin umanong bumaba ng 0.5 percent sa 2050, dahil sa patuloy na pagbaba ng fertility rates.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Pero dahil naman sa tumataas na life expectancy, maging ang bilang ng childbearing age, tinataya ng UN na patuloy na tataas ang populasyon sa halos 8.5 billion sa 2030, 9.7 billion sa 2050, at ang peak sa halos 10.4 billion sa 2080s. //MHEL PACIA