Work at Class suspension sa Camarines Sur, lifted na

NAGA CITY- Balik trabaho na ang mga empleyado ng gobyerno sa Camarines Sur , may pasok na rin sa online classes ayon sa  Environment, Disaster Management, and Emergency Response Office (EDMERO) at nakapalaman sa Memorandum No. 3 ng Gobernador.

Mababatid na sa Memorandum No. 2 ni Governor Migz Villafuerte kahapon, sinuspinde ang mga pasok sa pampublikong opisina maliban sa mga nasa emergency response, gayundin ang klase sa kolehiyo pampribado an o pampubliko dahil sa Bagyong Jolina.

Read More:  Passenger van catches fire along Davao-Bukidnon Road in Davao City

Ito ay upang bigyang daan ang paghahanda sa kahapon ay nag babantang bagyo, kasama rito ang pagpapalikas sa mga pamilyang nasa high risk areas.

Read More:  Father swept away by floodwaters in Batangas while trying to save wife and son

Samantala, idinaan sa social media ng mga taga Camarines Sur maging sa Naga City ang pasasalamat dahil hindi direktang tumama ang bagyo sa lalawigan, kasabay ng panalanging sana ay makabangon kaagad ang mga residente sa lugar kung saan nanalasa ang Bagyong Jolina.