Wizards, Knicks laglag na sa NBA Playoffs

Tinuldukan na ng Atlanta Hawks ang kampanya ng New York Knicks para sa mailap na NBA Championship.

Sa pamamagitan ng 103-89 win, ipinoste ng Hawks ang 4-1 sa serye para maagang magbakasyon ang New York.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Muling pinangunahan ni Trae Young ang Atlanta matapos kumamada ng 36 points at 9 assists.

Samantala tinapos na rin ng Philadelphia 76er ang serye nila ng Washington Wizards, 129-112.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Nagtala ng 58 combined points sina Tobias Harris at Seth Curry para kunin ang panalo laban sa Wizards.

Dahil dito all-set na ang second round match-up sa Eastern Conference kung saan maghaharap ang 76ers vs Hawks habang sa kabila naman ay Brooklyn Nets kontra Milwaukee Bucks.