Weightlifter na si Elreen Ando, magbabalik sa Olympics

Nasungkit ng Filipina weightlifter na si Elreen Ando ang kanyang puwesto sa Paris Olympics matapos nitong mabuhat ang pinagsamang 228kg sa International Weightlifting Federation (IWF) World Cup sa Phuket, Thailand.

Read More:  Lakers acquire Walker Kessler in sign-and-trade deal

Ngunit ang tagumpay ni Ando ay nangangahulugan sa pagtatapos ng journey ni Hidilyn Diaz-Naranjo, ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas na umaasang ma-qualify sa kanyang ikalimang Summer Games.

Sa pagpasok ng dalawa sa Wolrd Cup, mas mataas ang ranggo ni Diaz ngunit ang kanyang pinagsamang pag-angat na 224kg ay nalampasan no Ando.

Read More:  Lakers acquire Walker Kessler in sign-and-trade deal

Nabatid na maaari lamang magpadala ang Pilipinas ng isang atleta sa bawat weight class sa Olympic Games.

###