Japan– Init na init ka ba sa iyong mga sinusuot na damit araw-araw? Ikaw ba ‘yung tipong konting kibo lang ay pinagpapawisan na?
Worry no more! Dahil sa bansang Japan inilabas na ang mas-updated na Reon Pocket 3 na patok na patok ngayong tag-init sa nasabing bansa.
Isa itong wearable airconditioner na nilalagay sa parteng batok na may kakayahang magbigay ng lamig sa taong magsusuot nito.
Dahil sa bago nitong features, mayroon na itong motion detector kung saan nalalaman kung saang parte ng iyong katawan ang dapat na bigyan ng preskong hangin at puwedeng-puwede pang i-connect sa mga smartphone dahil sa Bluetooth device na mayroon ito.
Matatandaan taong 2020, nang una itong ipinakilala ng isang electronic company sa nasabing bansa na agad namang kinagat ng mga Hapones.
Kilala ang bansang Japan sa pagiging imbentor ng mga teknolohiya sa buong mundo pero ayon sa kompanya, ang Reon Pocket 3 ay hindi pa maaring ilabas sa pandaigdigan merkado.### KENNETH BERMIL, Intern