Ipagbabawal muna ang mga aktibidad sa karagatan tulad ng pangingisda o paglaot sa San Antonio, Zambales at kalapit na mga bayan kasama ang Botolan bukas.
Sa abiso, ng LGU Botolan, base na rin umano sa impormasyon mula sa Philippine Navy ay magkakaroon kasi ng live fire execises mula 12 nautical miles sa west coast ng San Antonio ng ala una ng hapon ng July 13.
Dahil dito, pinaalalahanan ng Lokal na Pamahalaan ang mamamayan na huwag munang gumawa ng anumang aktibidad sa dagat sa lugar hanggang sa mga kalapit na bayan.
Ito ay para mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa lalo na ng mga mangingisda.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO