Watawat ng PH sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, naka-half mast para sa yumaong ex-pres. Noynoy

Naka-half mast ang mga watawat ng Pilipinas sa ilang institusyon at lokal na pamahalaan sa buong bansa kasabay ng pagluluksa ng Pilipinas sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ang Senado at House of Representatives kung saan sya nagsilbi bilang senador at kongresista ay ibinaba ang kanilang mga bandila bilang pagkilala sa 61 anyos na lider.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Naka half-staff din ang mga bandila sa Davao City, Albay, Quezon City Hall, at Manila City Hall.

Naka half-staff na rin ang mga watawat ng Pilipinas sa compound ng Malakanyang

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Mababatid na isinugod kaninang umaga si Aquino, ika-15 pangulo ng bansa sa Capitol Medical Center sa Quezon City kung saan sya pumanaw.

Nagsilbi syang pangulo ng Pilipinas mula mula 2010 hanggang 2016.