Walong water refilling station sa lungsod, inisyuhan ng cease and desist order at ipinasara!

COTABATO CITY – LABING ISA mula sa isang daan at syam na mga water refilling stations sa lungsod ng Cotabato ang nakapag fully complied sa mga requirements para sa pagkakaroon ng Certificate of Endorsement/Operational Permit.

Sa panayam ng Brigada News FM Cotabato ngayong Umaga kay Sanitary Inspector IV Endira Mundas, ang naturang mga water refilling station na nakakompleto ng kanilang mga rekesitos ay kinabibilangan ng Aqua Lite, dalawang Aqua Love Purified na nasa RH-6 at Gov. Gutierrez Avenue, Aqua Right Water Refilling Station, Aqua Soft, Crystal Clear(Magallanes branch), FMJ Aqua Refilling Station, Jehan Water Refilling Station, Loyola Spring Waters of Cotabato City, MBZY Water Refilling Station, at Water Nature Refilling Station.

Mayroon namang 46 naman na mga water refilling station ang mayroong naisyuhan ng kanilang Initial Permit and their Certificate of endorsement/Operational Permit on Process, sixteen (16) WRS ang nakapagsumite ng sanitary plans and subject for inspection, twenty-four (24) WRS with sanitary plans on process, apat ang walang documento, at walong water refilling station naman ang naisyuhan ng cease and desist order/closed.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ipinaliwanag din ni Mundas kung bakit nagkakaroon ng delay sa pagbigay ng certificate kabilang nga rito ang limitadong inspector mula sa Department of Health – Region 12 at limited number ng mga Sanitary Engineer dahil sa banta na rin ng COVID 19.

Hindi lamang ang CHO ang magbe-verify at mag iinspect sa bawat refilling station kundi pati na rin ang DOH 12 kung saan kinakailangang macomply ng mga ito ang initial permit, monthly bacterial at ang 40-hour training na kina-conduct ng UP Manila para sa mga owner at plant operator.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Nagpaalala din ang opisyal sa mga may-ari ng mga water refilling station na iwasang dumaan sa mga fixer bagkus dumiretso sa City Health Office o di kaya ay sa DOH-Region 12 dahil nakarating umano sa kanyang kaalaman na ilan dito ay pinagbabayad ng napakalaking halaga.

Samantala nabigyan na rin ng warning o babala ang walong water refilling station kung kailan nila maku-kompleto ang mga requirements ngunit tila anya hindi ito nakinig kaya kahapon ay inilabas ng kanyang tanggapan ang cease and desist order at closure.(Jom Dimapalao/Xandra Cerilla)