Ibibigay ng Philippine National Police sa walong Municipal Police Station sa Aurora Province ang walong bagong units Personnel Carrier 4×4 habang ang tatlong light transport vehicles naman ay mapupunta sa PNPA at PNTI.
Kabilang sa mga mabibigyan sa Aurora ay ang mga MPS sa Baler, Dingalan, Casiguran, Dipaculao, Dilasag, Maria Aurora, Dinalungan at San Luis.
Ang mga nabanggit na police vehicle ay bahagi ng logistical enhancement program ng PNP bilang suporta sa mga field operations.
Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr, hindi lamang sa kanilang hanay malaking tulong ang mga ito kundi maging sa komunidad.
Pinaalalahanan naman ni Danao ang mga Police Stations na ingatan at gamitin ng maayos ang mga sasakyan para mas matagal na mapakinabangan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo: PNP
