NAGA CITY – Sabay-sabay na tatanggap ng kanilang 1st, 2nd and booster dose ang mga bata at mga matatanda sa nagpapatuloy na walk-in vaccination sa mega vax site sa JMR Coliseum Naga City, bukas araw ng Miyerkules.
Napag-alaman ng Brigada News FM Naga na umaga pa lamang ay inaasahan ng mababakunahan ang mga nasa senior citizens para sa kanilang 2nd and booster dose, pati na rin ang may comorbidities at ang nasa age group na 18-59 taong gulang.
Sa panayam naman ng Briagda News FM Naga ka Liga President Antonio “Dodit” Beltran, sinabi nito na isasabay na rin ang pagbabakuna sa mga batang nasa 5-11 taong gulang at maging sa 12 -17 taong gulang.
Ang nasa age group na ito ay mayoriyang mga estudyante mula sa kinder, elementarya at segundarya.
Umaasa sina Beltran na maraming mga bata at kabataan ang lalahok sa vaccination activity na ito dahil sa pagpayag ng mga magulang sa patuloy din nilang ginagawang paglilibot at pangungumbinsi sa mga ito na pabakunahan ang kanilang mga anak.
May ilang mga barangay opisyal ang una na ring nagpahayag na may mga batang ayaw parin pabakunahan ng kanilang mga magulang sa takot sa posibleng epekto ng bakuna sa kalusugan ng kanilang mga anak.