VP Sara bibiyahe sa Japan para dumalo sa state funeral ni dating Japan Prime Minister Abe

Nakatakdang bumiyahe papunta Japan si Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo para dumalo sa state funeral ni dating Prime Minister Shinzo Abe.

Ginawa ni Duterte ang anunsyo sa pamamagitan ng kanyang social media page, sa parehong araw nang makaharap si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dagdag ng pangalawang pangulo, na kasama umano niyang dadalhin ang mga liham ng pakikiramay mula sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at maging kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na si Abe na longest-serving prime minister ng Japan, ay nasawi noong Hulyo matapos barilin habang nagbibigay ng public campaign speech.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Una nang inanunsyo ng Japanese government na ang state funeral paar kay Abe ay gaganapin sa Sept. 27.

Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng detalye ang Department of Foreign Affairs kaugnay sa trip ng bise presidente.