VP Robredo, personal na nagtungo sa Naga Vaccination Express; Nasa 130 na volunteer medical personnel pinasalamatan

NAGA CITY- Personal na sinaksihan ni Vice President Leni Robredo ang takbo ng Naga Vaccination Express ng Janssen vaccine sa limang sites kahapon.

Naging maayos naman ang takbo ng bakunahan at ang pagtanggap ng mga senior citizen sa naturang brand ng bakuna. Mula sa 35% ng nais magpabakunang senior citizen noon, 85% na ngayon ayon pa sa Pangalawang Pangulo.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang LGU Naga ay nakipagtulungan sa tanggapan ng opisyal upang mapadali ang vaccination roll out. Ginamit sa lungsod ang “formula” o pamamaraan na ginamit ng OVP sa pagbabakuna sa Maynila.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Samantala, pinuri at pinasalamatan ni Robredo ang nasa 130 mga volunteers, kasama rito ang mga medical personnel nurses, mga doktor pati nga isang telecommunication company na nag provide ng internet service para sa mga encoders.

Bukas ang OVP kung hihingi ng parehong tulong ang LGUs basta may supply ng bakuna.