VP Duterte, nanindigan tungkol sa professionalism ng mga guro

Dinepensahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang ginawa nitong DepEd Order No. 49 (DO no. 49) na tumatalakay sa pagkakaroon ng nararapat na kilos at professionalism ng mga teachers at non-teaching personnel ng Department of Education.

Sa kanyang talumpati para sa 30th National Children’s Month, sinabi ng kalihim na hindi lahat ay nakaiintindi sa kanyang posisyon pagdating sa professionalism.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Giit ni Duterte, ang mga guro ay hindi dapat makasama ng kaniyang estudyante sa isang inuman.

Dagdag pa niya, kung attracted ang isang guro sa isang bata at nakasama niya itong uminom ng alak, sensyales na ito ng posibleng nais niyang gawin sa bata.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ayon sa bise presidente, binibigyang-diin niya sa mga nakakasalamuha niyang mga guro na maging maingat sa hangganan ng relasyon nila ng mga estudyante.

Paalala niya na mga guro ang may responsibilidad at awtoridad sa mga estudyante, kaya nararapat na maging patas ang pagtingin nito sa mga bata. // SMM