Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga kababayang naiipit sa kagulugan sa mga bansa sa Middle East kung saan marami na rin ang pektado sa mga OFW sa Lebanon.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary, Eduardo De Vega sinabi nito na may 3,000 Pilipino sa Timog na bahagi ng Lebanon na ang pinalikas para sa kanilang seguridad.

Ayon kay Usec. De Vega, wala aniyang naiuulat Pinoy na naapektuhan ng balita mula sa US Intelligence report na binombang ospital sa Gaza kung saan hindi pa rin malinaw kung anong grupo ang nasa likod nito.
Samantala, mas umiinit pa ang engkuwentro ng Israel at grupong Hezbollah sa Lebanon kaya pinapayuhan na ng DFA ang mga OFW ba umiwas o umuwi muna ng Pinas para sa kanilang seguridad kung saan nakataas na sa alert level 2 ang Lebanon.