Volume ng mga basura sa mga resort sa Naga City inaasahang dadami ngayong tag-init

NAGA CITY– Inaasahan nina Engr. Joel Martin, Head ng Solid Waste Management Office na dadami ang volume ng mga basura sa mga resort sa Naga City lalo na sa upper Barangay tulad ng Panicuason, Carolina at Pacol ngayong panahon na ng tag-init na ang lahat ay naghahanap ng preskong lugar.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Martin, sinabi nitong may nakatakda na silang planong pakikipag-usap sa mga barangay opisyal kung papano ang solusyon sa mga basurang naiiwan ng mga eskursiyonista.

Ayon sa kanya magdadagdag sila ng mga basurahan sa mga resrots na regular nang kokolektahin ng mga personahe nilang mga garbage collector, katulong ang mga nasa barangay.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Una na ring inireklamo ng mga barangay opisyal ang mga kalat na basura na naiiwan ng mga eskursiyonista, mga plastic at minsan mga basag na bote na peligruso din lalo na sa mga batang makukulit.