Makikita sa isang viral post sa tiktok ang pusang nakakulong sa private enclosure kasama ang isang sawa sa Masbate City.
Kasalukuyang may 1.4m views at 6k comments ang viral video na ito kung saan makikitang nakaupo ang pusa sa may uluhan ng sawa.
Hindi pinalagpas ng netizens ang pagkakataon na ito na ibigay ang kanilang mga hinaing patungkol sa pagliligtas sa nakakulong na pusa at ang pagpapasara ng nasabing private zoo o kaya naman ang pagpakumpiska ng naturang sawa kung walang maipapakitang license to operate ang may-ari nito.
“Grabe kayo baka tumambay lang si miming jan..” Sabi ng isang tiktok user. “gusto mo ikaw itambay ko dyan?”
Sagot naman ng isa. “HINDI BA BAWAL TOH? HELLO!!”
Hinaing ng isa pang tiktok user: “SAFE NA PO BA YUNG PUSA????”
Kaugnay nito, naglabas na ng official statement ang lokal na pamahalaan ng Masbate City kung saan sinabi nilang mananagot sa batas ang mga responsable sa pagkulong ng pusang ito. ### Nico Merciales, Intern