Violence and injury prevention alliance, inilunsad sa Albay

LEGAZPI CITY – Inilunsad na sa Albay ang Violence and Injury Prevention Alliance nito lamang kamakailan sa Albay Astrodome.

Ito pinangunahan ng Department of Health (DOH) Bicol katuwang ang Albay Provincial Health Office at iba pang ahensya ng gobyerno.

Dinaluhan ito ni DOH Bicol Regional Director, Dr. Ernie Vera; PHO Acting Assistant, Dr. Tess Belarma; kasama si Albay Governor Atty. Edcel Greco Lagman at iba pang mga opisyal.

Read More:  Madrasa teacher killed in shooting at Muslim Village in Davao City

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magbigay ng kamalayan sa lahat ng bikers at iba pang motorista tungkol sa road safety measures.

Sa mensahe naman ni Lagman, sinabi nitong layunin ng alyansang ito na mapababa ang bilang ng mga aksidente sa kalsada hindi lamang sa lalawigan, kundi sa buong bansa.

Read More:  Parara NHS adopts transparent bags to strengthen Campus Security

Dumalo rin ang ilang mga bikers at drivers upang makinig sa talakayan tungkol sa mga programa sa kaligtasan sa kalsada, magkaroon ng ideya sa mga palatandaan ng trapiko, at iba pang mga hakbang sa kaligtasan.