SORSOGON CITY – ‘’Magkaroon ng mas malawak na access upang higit pang makatulong sa distritong kanyang pamumunuan.’’
Ito umano ang isa sa mga dahilan ni 2nd District Congressman elect Atty. Wowo Fortes kung bakit niya piniling tumakbo bilang kongresista.
Naniniwala ang opisyal na wala namang pinagkaiba ang trabaho ng isang bise- gobernador at kongresista dahil pareho lamang na ito’y tungkol sa legislation maliban na lamang umano sa aspetong mas magiging malawak ang kanyang access dahil ito’y national level na.
Aniya pa, bilang congressman kasi ay mas magiging madali para sa kanya ang i-tap o lumapit sa mga national government agencies para sa mga pondo at proyektong maaaring maibigay sa lalawigan partikular na sa pangalawang distrito.
