NAGA CITY- Kinondena at ideneklarang persona non grata sa Camarines Sur si Aklan Vice Governor Reynaldo Quimpo at mga kasamahan sa Sanguniang Panlalawigan.
Ito ay sa bisa ng resolusyon ni Camarines Sur 5th District Board Member Donna Oñate na sinangayunan ng konseho noong Miyerkules Agosto 10. Binigyan diin ni Oñate na hindi sila gumaganti.
Mababatid na idineklarang persona non grata ng Aklan ang tatlong mga kongresista na sina Camarines Sur 2nd District Representative LRay Villafuerte, 5th District Representative Miguel Luis Villafuerte, 1st District Congressman Tsuyoshi Anthony G. Horibata at Bicol Saro Partylist Representative Nicolas C. Enciso VIII.
Ang resolusyon ay nag-ugat sa pagtutol sa panukalang pagkakaroon ng Boracay Island Development Authority (BIDA) o ang House Bill 1085 na ang author ay ang mga opisyal mula sa Camarines Sur. Layunin ng state-run corporation ang pagtingin sa sustainable development and balanced growth sa Boracay.
Bago pa man ang sesyon ng Sanguniang Panlalawigan ng Aklan noong Agosto 8, na withdraw o na pull out na nina Villafuerte ang panukala noong Agosto 3.
Dagdag ni Oñate noong 18th Congress may mga dati nang kongresista na tumulak BIDA at umabot pa sa 3rd reading.
Kahapon, Agosto 12, ibinahagi ng sa social media ng SP Aklan ang pagbawi sa deklarasyon laban sa mga mambabatas na nadesisyunan sa special session noong Agosto 9 pa.
Kapag natanggap na ng SP Camarines Sur pag-uusapan ang pagbawi naman ng personan non grata declaration laban sa mga opisyal ng Aklan.
