Nakatanggap si Vice Ganda ng isang matamis na kiss mula sa nobyo nitong si Ion Perez sa kanyang concert sa Amerika.
Matatandaang inanunsyo ng dalawa na ikinasal sila sa isang commitment ceremony sa Las Vegas noong October 2021.

Naging ‘engaged’ ang naturang couple noong February 21, 2020 kung saan plano sana ni Ion na mag-propose sa isang noon time show pero bawal umano ito.
Samantala, sinabi ni Vice at Ion na may plano silang magkaroon ng symbolic wedding ceremony sa Pilipinas kasama ang kanilang pamilya, malalapit na kaibigan at mga katrabaho.
(ARGIE ERGINA)