Vergeire: hindi mapipigilan ng gobyerno ang mga healthcare workers na mangibang-bansa

Binigyang diin ni Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na karapatan ng mga Filipino healthcare workers na umalis ng bansa para sa mas magandang opurtunidad sa ibang bansa.

Kaugnay nito, aminado si Vergeire na hindi mapipigilan ang mga ito ng gobyerno.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Paliwanag ng health official, na sa buong mundo, mayroong gaps sa mga healthcare workers, na posibleng dahil umano sa resignations, COVID-19 pandemic, o migrations.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Pero sa kabila nito, binigyang diin ng Vergeire, na pinagsisikapan ng DOH at ng gobyerno na masolusyunan ang problema sa mga nagma-migrate na mga healthcare workers.